Kanto Kanto No. 4: Craft | Page 73

Dreamweavers Cesca shares the stories of the women of Locano, Tita Dacio Nogueras, 63, and Wilma Baldos, 62 How did you get into weaving? Tita Dacio Nogueras (TDN): Natuto ako maghabi nung ako ay 13 years old. Lagi ako nakatingin sa nanay ko habang naghahabi; tapos pag tumatayo siya, ako yung umuupo sa habi-an at doon ako natuto. Noong ako ay dalaga na, tumira ako sa bahay ng auntie ko sa Coloma kasama ng nanay at stepfather ko. Ni isang kusing, wala akong nakuha [sa kanila] para makapag-aral kaya’t naghahabi ako maghapon, para kapag sumuweldo ako ng Sabado, may baon ako next week. Mahirap pero sa awa ng Diyos, nakatapos ako ng high school. Dumating sa college, mahirap pa ‘rin ang buhay. Nung matapos ako, naisip ko na hindi ako aasenso sa pagtuturo kaya nag-apply ako abroad bilang domestic helper. Sa Kuwait, nakilala ko si lakay (Ilocano for “husband”). Dalawang taon kami doon bago umuwi at nagpakasal. Tapos bumalik siya, ako naiwan sa family house. Habang nasa abroad siya, nag-negosyo ako. Nagbebenta ng duster at payong, at naghabi sa Coloma at De Castro, nagbebenta ng merienda. May nag-offer sa akin ng lupa na ito, binili namin. Nag-simula ako sa isang habi-an na malaki. Naging dalawa, dumami pa. May kasabihan ang matatanda, “Ang ibinababa ng iba, siyang inaangat ng Diyos.” Wilma Baldos (WB): Ako ay 25 years old noong natuto mag-habi. May asawa na ako noon. ‘Yung dalawang apakan lang ang alam ko gamitin. After two to three years, kaya ko na ‘yung limang apakan. Tinuruan ako ng nanay ko. Wala akong trabaho noon kaya naisipan kong mag-habi. Marami kami naghahabi dati; 40 na households. Ngayong 2019, apat na lang kami kasi mahal ang puhunan. Tumigil nang 2007 dahil wala na bumibili. Yung mga naghahabi, empleyado na sa iba. Wala na marunong maghabi maliban sa aming apat. How do we keep the tradition alive? TDN: Kailangan may papalit sa amin. Ayaw ng mga kabataan na gawin ito kasi mahirap. Eh mas mahirap tumambay sa kanto. Kailangan nila ma-experience kung gaano kahirap mag habi. Sa kabataan, pag-aralan ninyo ang abel. Kaya kayo nakapag-aral dahil sa negosyo ng abel. 71