Ferdinand and Fredy with Bryan McClelland of Bambike
Bambuilders
Ferdinand Fernandez and Fredy Yusi on how
Bambike has changed their lives for the better
How did you find yourself working with Bambike?
Ferdinand Fernandez (FF): Nagsimula akong
magtrabaho sa Bambike noong pinatawag kami ni Sir
Bryan McClelland para mag-training sa San Jose, western
Tarlac City. Natutunan ko dito ang bawat proseso para
makabuo ng kawayang bike.
Fredy Yusi (FY): Nagsimula akong gumawa sa
Bambike nang makitaan ako ng potensyal sa paggawa ng
kawayan ni Sir Bryan.
ang paggawa ng bike upang magawa ito ng maganda.
Hindi puwede ang “puwede na”.
FY: Ang pinakamahirap sa paggawa ng bike ay
pagputol ng mga kawayan sa puno; matinik at mahirap
ito hilahin. Kapag nag-set lahat ng detalye, dapat alam mo
ang sukat.
Can you recall the first time you finished building a
Bambike? How did you feel, and what did you learn
(about yourself and the trade)?
FF: Masaya ako nang unang beses na ako ay
makagawa ng Bambike. Natutunan ko sa sarili ko na
kailangan magtiyaga ako sa ginagawa ko. Ang pagbuo
ng isang Bambike ay hindi basta-basta dahil sa mga dapat
sundin at isaalang-alang upang lumabas na maganda ang
paggawa ng isang Bambike.
FY: October 2009 ‘yung una akong nakagawa ng
bike na kawayan. Nagulat ako na puwede pala ang
kawayan sa bike. Nakatulong sa aking sarili sa pang-
araw-araw na pinansyal [ang paggawa ng bikes]. Ang
Bambike, nakakatulong din sa kalikasan dahil ang
kawayan, madaling dumami.
What’s the most important thing one should remember
when working with bamboo?
FF: Dapat ang isang kawayan ay nasa tamang gulang. Ito ay
maibabad sa gamot na pangontra sa mga naninirang insekto.
FY: Ang pinakaimportanteng kailangan kapag gamit ang
kawayan ay ang tamang laki, gulang, pagpapatuyo at pag-
protekta laban sa mga peste.
What is the biggest challenge you face in building bikes,
especially when it comes to building new designs?
FF: Ang pinakamahirap sa paggawa ng bike ay ang
pagkuha ng tamang sukat at dapat nasa tamang proseso
39