Irvin Oliver C. De Castro August 2014 | Seite 5

CLO

Ang Gamelan ay isang ring halimbawa ng musika ng Timog-Silangang Asya. Katulad din ng Kulintang, ang Gamelan rin ay ginagamitan ang mga instrumenta ng mga papukpok. Maraming mga instrumenta dito. Tulad ng Bonang, Gong, Kendang, Kenong, Slenthem, at iba pa. Ito ay napaka inportante sa mga seremonya sa Indonesia at isang malaking bahagi sa kultura ng Indonesia.

Ang Kultura ng rehiyon ay nabuo dahil sa malaking impluwensya ng India at ng Tsina. Dahil dito, maraming bahagi ng Timog-Silangang Asya ay nalalapit sa Kulture ng dalawang bansa na nabanggit. Tulad ng pagtatanim ng bigay at ng iba pang mga butil, ito ay galing sa impluwensya ng Tsina dahil sa pag kalakalan ng mga bansa dito sa Tsina noong ungang panahon. Isa pa rito ay ang pag kain ng mga tao gamit ang mga kamay ay maaring nakuha galing sa India. Ang paggamit naman ng "chopsticks" ay nakuha sa Tsina at ang pagiinom ng tsaa ay nag galing din Dahil nga sa tropical na klima sa karamihan. Marami sa mga bansa dito ay nag diriwang ng kani-kanilang mga pista na Tulad ng Thaipusam ng Singapore, Ang Sinulog Festival ng Pilipinas, ang Hari Raya Puasa ng Malaysia at ang Marha Puha ng Laos.

Ang Wayang Kulit ay isang uri ng teatro na makikita sa Indonesia. Ito ay maaring gamitin upang ipahiwatig ang iba't ibang mga paniniwala ng mga tao dito. Ito rin ay maaring gamitin bilang pag sasadula ng mga nangyari sa kasaysayan ng bansa. Ang Wayang Kulit ay ginagamitan ng "shadow puppets" na dinedesenyo upang mapahiwatig kung ano ang inilalarawan ng papet na iyon.