Ang Timog-Silangang Asya, kahit napaka ganda ng mga kapaligiran nito, ay isa sa mga parte ng mundo na nakakaranas ng matinding pag iba ng clima o tinatawag din na "climate change". Ang isa sa mga dahilan nito ay ang pag kasira ng kailakasan sa buong rehiyon. Ang Pilipinas ay dating masagana sa mga kagubatan. Pero ngayon ay halos wala nang natira. Nagawa na itong mga subdivision o kaya kung ano pang mga proyekto ng gobyerno para maisaayos ang mga titirahan ng mga tao sa bansa. Alam naman nating lahat na hindi talaga natin matitigilan na sumira ng kalikasan para sa ating kinabubuti pero ang problema hindi na natin nagagawa ang mga paraan para maisaayos ang ating mga pagkakamali. Hindi din natuturuan ng maayos ang mga kabataan ngayon kung paano sila makakatulong para sa kinaabukasan ng susunod na henerasyon. Kaya ang tanong namin sa lahat: maghihintay pa ba tayo ng huli para magsisi sa ating mga ginagawa?
Editoryal