Imperial Thinker | Page 3

Health & Lifestyle

Ang lahat ng bagay ay may pinagmulan.Hindi man sariling atin ay hindi natin maipagkakaila na parte ito ng ating buhay.Marahil tayo ay nagtataka kung ano paba ang matatawag nating atin . May mga bagay na di man atin ay napapaganda at napapalitan natin ng gamit. Masarap matawag na tayo ay isang matatag at hindi nasakop ng ibang lahi. Ngunit hindi ba’t may mga magaganda naman itong naidulot sa atin? Bakit natin iibahin ang nakasulat sa kasaysayan upang matawag lamang na matibay at buong bansa ? Kailangan lang natin tanggapin ang katotohan . At ito ang mga katotohan;

Ang isa sa katotohanan ay malaki ang naimbag ng mga espanyol ng masakop nila tayo (mula 1565 hanggang 1898) Isa rito ay ang ating wika at kaugalian ng Filipino, nagkaroon tayo ng alpabetong latin,mga wikang espanyol at ingles, ang opisyal na wika ng lahat. Pangalawa ay ang apelyidong at pangalang kastila , tulad ng ;

Nicolas Dela Cruz

Simon Pinpin

Brittany

Tabatha at;

Mariana

Pangatlo ay ang edukasyon, ang mga tiga Espanya ang nagpakilala sa atin ng sistema ng edukasyon kagaya ng Europa , ang mga unang paaralan noon ay mga paaralng parokyal na pinapatakbo ng mga pari.

Iyan ang mga katotohanan na kailangan nating tanggapin at yakapin. Hindi man sariling atin ay talaga namang ating maipagmamalaki dahil ating napalawig at napalawak ang totoong layunin nito. Ano man ang ating nakukuha at nararanasan ngayon ay dapat nating ipagpasalamat sa mga bansang minsan narin tayong sinaktan at pinahirapan. Dahil binigyan nila tayo ng pagkakatataon lumago at makilala. Pagkakataon na mas maging matalino at magkaroon ng magagandang pangarap .Dahil ang mga bagay na lubos tayong pinahirapan ay siyang magpapalakas at magpapatibay ng lubos sa atin . Pagkatandaan, Minsan sa buhay kailangan mo lang tanggapin ang katotohanan para lumaya.

Pangapat ay ang pagkain sila ang nagsimula ng iba’t ibang uri ng pamamaraan sa pagluluto (dahilan kung bakit tayo sinakop ng mga tiga espanya dahil sa mga pampalasa). Huli at pinakamalawak ay ang pananampalataya , kung saan tayo ay tinuruan na magmahal at sumunod sa iisang Diyos, ang lumalang ng lahat ng tao at bagay.At ditto sila labis nagtagumpay .