Noon unang panahon, sa lugar na malayo sa kinaroroonan mo,
mayroon isang bangko na pinaguusapan dahil sa orasan na
nasa labas nito. Ang orasan ay hindi kadalasang pinaguusapan
maliban kung ito ay sira. Ngunit, ito ay sira nga.
Ang orasan na iyon ay moderno at ang ibig sabihin nito ay
umiilaw ang mga numero sa mukha ng orasan. Ito rin ay nababasa kahit sa malayo. Ito ay malapit lamang sa bangko, sa gitna ng isang interseksyon sa isang bayan. Sa ibang salita, ang
orasan na ito ay ang gitna ng bayan.
Isang araw, bigla itong nagloko at naiiwan ng ilang minuto
at nauuna ng ilang minuto, paiba iba. Noong una, hindi ito
nakakasagabal. Sino ba naman ang maaabala kung mahuli ng
dalawang minuto? Pero naging mas malala ang pagkasira nito
at nauuna ng isang oras o kaya dalawa, at biglang aayos ng
kaonti at sosobra ng ilang minuto na lamang. Malinaw sa lahat
na ang orasan ay may sakit. Ano ang ginagawa sa may sakit na
orasan? Dinadala ba ito sa manggagawa ng orasan? Sa ospital ng orasan? O dadalaw sa isang mang gagamot ng orasan?
Tama ka, mahirap mag-ayos ng isang orasan. Ang una mong
gagawin ay hanapin kung ano ang sira nito at hagilapin kung
saang lugar ang nagbe-benta ng pyesang kailangan palitan.
Ang bangko, bilang isang nirerespetong bangko ay gustong
ayusin ang naturang orasan. Mas naganahan itong ayusin ang
orasan makalipas ang bertdey parti nito noong isang buwan.
Nakita ng isang bata na papunta sa bertdey parti ang orasan at
nang makita na siya ay mahuhuli, umiyak ito. Hindi niya alam,
nauuna ng dalawang oras ang nasabing orasan. Akala lamang
ng bata ay nahuhuli siya pero, sino ba naman ang magdududa
sa isang orasan na nasa gitna ng bayan?