Gitnang Asya Aug. 2014 | Page 4

Astana,

Kazakhstan

Ang Kazakhstan na opisyal na tinutukoy na Republika ng Kazakhstan ay isang transkontinental na bansa sa Gitnang Asya. Sa sukat nitong 2,727,300 kilometro kuwadrado, na higit pa sa lawak ng Kanlurang Europa, ito ang ika-9 na bansa na may pinakamalaking lupain at pinakamalaki naman sa mga bansang looban o lubos na napapalibutan ng kalupaan ang mga hangganan.

Binubuo ng mga kapatagan, kaparangan, taiga, kanyon, burol, sabangan at mga kabundukang may niyebe sa tuktok, hanggang sa mga disyerto ang lupain ng bansa. Sa populasyong nitong 16.6 milyong katao, ang Kazakhstan ay ang ika-62 may pinakamalaking populasyon sa mundo, ngunit 6 na katao lang ang naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado ng bansa.

"Alash" fomer name of Kazakhstan