Tashkent,
Uzbekistan
Ang pinakaunang natuklasang sibilisasyon sa bansang Uzbekistan ay ang mga Sogdiana, Bactria at Khwarezm. Ang imperyong Sogdiana ay nasakop ni Alexander the Great taong 327 BC. Taong 1220, sinakop ng hubong Mongol ni Genghis Khan ang bansa. Natalo ni Timur ang mga Mongol taong 1363. Matapos bumagsak ang mga Timurids, nahati ang bansa sa pamumuno ng mga Muslim na kilala bilang Khans.
Klima
Ang klimang nararanasan dito ay kontinental na may mainit na tag - init at malamig na tag - lamig.
Populasyon
29.78 milyon (2012 Est.)
Relihiyon
Ang kanilang relihiyon ay Islam.
Mga Atraksyon...
Samarkand
Ang lokasyon nito ay nasa lambak ng Zarafshan. Ang lungsod na ito ay may maraming lumang antik. Maraming bumibisita rito dahil sa mga monumento nito.