KENDI NG
AKING BUHAY
Oh kendi! Para kang tsokolate!
Ang iyong ngiti ay kasing tamis ng ube.
Ang appeal mong sobrang lakas,
sa unang tingin, zipper ko ay bumukas.
Balat mong kasing puti ng pastillas,
sa titig mo ako ay natutunaw na wagas.
Labi mong kasing pula ng mansanas,
Oh, kay sarap kagatin ng walang habas.
Ang pag-ibig ko sa’yo ay kasing tamis ng tobleron,
handa kitang pakasalan kahit saang dako pa roon.
Ang mga mata mong maririkit,
ultimo bituin sa langit, sa’yo ay naaakit.
Gaya ng kending skittles,
noong makilala kita pakiramdam ko ay nalessen ang aking
mga wrinkles.
Nabigyan ng kulay ang kupas kong buhay,
kung kaya’t hindi ko kaya kung sa akin ikaw ay mawalay.
BY JERALDINE REYES