BCR 3-1 1st sem, AY 2013-2014 | Page 19

“ Ang Daing ng Lupang Hinirang ”

“ Ang Daing ng Lupang Hinirang ”

By Marya Sonya Gamara
Ang unti-unting pagkawala ng diwang nasyonalismo ang isa sa dahilan kung bakit patuloy na naghihikahos ang ating bansa . sapagkat ang kawalan ng diwang nasyonalismo ay pagkawala ng pagkakaisa , at ang pagkawala ng pagkakaisa ay ang simula ng pagbagsak ng isang bayan .
Masasalamin naman ang kawalan nito sa ating mga Pilipino . Halimbawa na lang ay sa wika , maliit pa lang ang bata ay kinakausap na natin ito sa wikang Ingles gayong pwede naman sa sariling wika . Naalala ko tuloy ang sabi ng isa kong Propesor sa asignaturang Filipino . Sabi niya , “ Tagal na tagal na nating nagsasalita sa wikang Ingles , bakit umunlad ba tayo ?” Ikalawang halimbawa , maraming Pilipino ang napakahilig sa imported at aayaw ng sariling produkto na siya namang mahalaga . Dahil sa pagtangkilik ng sariling atin , pinapaunlad natin ang bansa natin . Marami sa atin kahit alam ang konseptong ito , na sinamahan pa ng GNP lesson sa Economics para sa nag-aral at mag-aaral ay tila balewala . Masyadong hahaba pa pag pinaliwanag ko pa ang kahalagahan ng diwang nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa larangan sining , agrikultura , pulitika at marami pang iba .
Kung magulang ka , wag mong ipagkait ang edukasyon sa iyong anak . Magsumikap ka dahil sabi nga po , “ ang edukasyon ay ang kayamanang di maagaw ninuman ”. Kung isa ka namang anak at mag-aaral , kung mag-aaral ka . Mag aral ka muna , saka na ang DOTA . o kaya sa kababaihan , saka naman si Crush , mag-aral muna Ineng . 2 . Mag sikap at pag ibayuhin ang talentong pinagkaloob sayo ng Poong Maykapal Ipinakita sa pelikula na hindi lang tumunganga si Rizal para maging pambansang bayani . Nariyan syempre ang sakripisyo . Nagsikap siya at pinaunlad ang kanyang husay at galing na pinagkaloob ng Maykapal para makamtan ang tagumpay . 3 . Sumunod sa batas Hindi naman natin kelangang barilin sa Luneta para masabing mahal natin ang bansa natin . Iyong simpleng pag sunod sa batas na “ bawal tumawid at may namatay na dito ”, sa tingin ko sapat na para maipakita na mahal natin ang bansa natin . Iyong simpleng pagsunod , malaking bagay na iyon . 4 . Alalahanin mo ang pinagmulan mo Isa na marahil kung bakit naging Pambansang bayani si Rizal ay dahil sa inalala niya ang ating bansa . Kung tutuusin , pwede siyang magpakasaya na lang sa ibang bansa , doon magtrabaho at magpayaman . Tutal , matalino naman siya eh , pero hindi eh . Ninais parin niyang bumalik sa bansa upang tulungan ang mamamayang Pilipino na lumaya . Sa ating sitwasyon ngayon , ilan porsyento ba ng nakapagtapos ang nagsabi ng dito na lang ako sa bansa natin magtratrabaho . Magsisilbi na nga rin lang ako , bakit sa dayuhan pa ? o baka isa ka sa nagsasabi na , ang hirap kase ng ekonomiya ng ating bansa , sa ibang bansa na lang ako sa ibang bansa . Makapaghanap ng dolyar at pag sinuwerte , makatisod pa ng mapapangasawang Kano .
Pero kung isa ka naman sa nagmamahal sa ating Inang bayan o kaya nakonsyensya ka sa pinagsasabi ko kanina tungkol sa pagiging makabayan at nais mong ipakita ang pagmamahal mo dito , narito ang ilang payo o hakbang na pwede mong gawin , batay sa pelikula na “ Jose Rizal “ na ginamapanan ni Cesar Montano .
1 . Pahalagahan ang Edukasyon Sa pelikulang Jose Rizal , malaki ang ginampanan ng Edukasyon sa ating pambansang bayani . Dahil ang Edukasyon ay katotohanan na pwedeng magpalaya ng isang tao o isang bayan sa umaalipin dito .
Pero di rin naman natin sila masisisi dahil may KARAMIHAN sa mga nasa puwesto ngayon sa gobyerno ay kailangan pa atang multuhin ni Rizal para lang alalahanin ang bayan hindi ang sarili . Hindi na nga pinagsisilbihan ang bayan , ninanakawan pa .
Bilang pang huling paalala , iiwan ko sainyo ang sinabi ni Andres Bonifacio ( Gardo Versoza ) sa pelikula ,
“… Inabuso na ang ating mga babae , kinamkam na nila ang ating mga bukid , tinanggalan na tayo ng pagkatao at dignidad bago pa kumilos ”, sa panahon natin ngayon , ang mga salitang iyon ay tila nagsasabi na “ kelangan pa bang makita natin ang ating bansa sa