Ang Caviteno Newsweekly September 24-30, 2018 Issue | Seite 5
OPINYON
Setyembre 24-30, 2018
Nangungunang problema sa Pinas, no.
1 pa din!
TUMATAAS na naman ang
presyo ng mga bilihin. Dagdag
bigat na naman ang idudulot nito
sa bulsa ng mga mamamayan. Mas
malalaking tagaktak ng pawis na
naman ang kailangang ilabas ng
bawat manggagawa. Dahil kasi
sa kakarampot ng kinikita nila,
hindi na ito sapat para tugunan
ang bawat pangangailangan
ng kanilang pamilya. Kaliwa’t
kanan, kitang-kita ang bigat ng
presyo ng mga paninda.
Inanunsyo
ng
Department of Trade Industry
(DTI) na magdadagdag raw ng
Suggested Retail Price (SRP)
sa ilang brand ng sardinas.
Madadagdagan raw ng 50
sentimos ang kasalukuyang
presyo ng ilang brand nito
samantalang
25
sentimos
naman ang iba. Kasabay nito
ay inanunsyo ng DTI na hindi
raw dapat mag-aalala ang mga
mamamayan dahil ilang brands
lang naman daw ang magtataas.
Paanong hindi? Kabi-
kabilang paninda sa pamilihan
ang
nagtaas-presyo.
Wala
namang pagbabago sa normal na
sinisuweldo ng mga Pilipinong
manggagawa. Paano nila ngayon
mapagkakasya ang maliit na kita
sa pagbili sa malaking presyo
para lamang matustusan ang pang
araw-araw na buhay?
Ang
bigas
na
pangunahing pangagailangan ng
tao ay grabe na rin ang itinaas.
Ang masakit, tumaas na nga ay
kulang naman ang suplay. Pero
iginiit naman ni Pres. Duterte na
wala naman daw krisis sa bigas.
Marami lang daw mga gahamang
negosyante ang itinatago ang
mga ito kung kaya’t napipilitan
tayong mag-angkat mula sa ibang
bansa. Kung iisiping mabuti, isa
PANGANIB SA TRABAHO
by Kenneth Roland A. Guda
DAGDAG na armas-legal ang RA
11058 o Occupational Health and
Safety Law ng mga manggagawa
para igiit ang kaligtasan nila sa
trabaho. Pero mapagpasya pa rin
ang sama-sama nilang pagkilos.
Araw dapat nila noon, araw ng
lahat ng katulad niya. Sa halip,
naranasan ni Mae Ann Gausit, 30,
ang pinakamasakit at malupit na
karansan sa kanyang buhay noong
Mayo 1, 2018, Pandaigdigang
Araw ng Paggawa.
Nagtatrabaho siya sa
isang pabrikang gumagawa ng
mga materyales sa konstruksiyon,
ng iba’t ibang parte sa bahay
na gawa sa bakal at plastik.
Matatagpuan ito sa sinasabing
“plastics capital” o sentro ng mga
pagawaan ng plastik sa bansa—
Valenzuela City.
Walang pasok o holiday
dapat ang Mayo 1. Pero ang iba
sa mahigit 30 manggagawa sa
pabrika, inobligang magtrabaho.
“In-alternate
nila
(kami).
Halimbawa, holiday ngayon,
papasukan pa namin, sa sunod
na araw, wala po kaming pasok.
Hindi siya double pay, o wala
po siyang (dagdag na) bayad,”
paliwanag ni Mae Ann.
Alas-singko ng hapon
noon. Door pad (iyung nakapatong
sa door knob sa ilang mamahaling
pinto) tinatakbo ng mga makina.
Operator si Mae Ann ng isa sa
mga makina na nagmomolde ng
door pad.
“Pagkuha ko (ng door
pad), yung dulo ng damit ko,
pumasok sa switch,” kuwento
niya. Hinawi niya ang damit
niya. Nahatak ang switch. Ang
nakabukas ang dalawang nag-
uumpugang bakal na nagmomolde
ng door pad, biglang nagsara.
Sakto, nasa gitna pa ang kaliwang
kamay niya.
“Noong panahong iyon,
ako lang ang nasa machine. Wala
kaming kasamahan kasi holiday.
Wala rin ‘yung bossnamin. Wala
rin ‘yung operator,” aniya.
Durog
ang
kamay
ni Mae Ann. Nakalaylay ang
natitirang laman at buto, pero
hindi pa gaanong dumudugo ito.
“Tumakbo ako palabas, dala-dala
ko pa yung kamay ko. Hawak-
hawak ko,” sabi pa niya. Humingi
siya ng saklolo sa nagulat niyang
mga kamanggagawa. Maya-
maya, nawalan na siya ng malay.
Dinala si Mae Ann sa sasakyang
pang-delivery ng kompanya.
Hindi man lang nakatawag ng
ambulansiya. Mula sa Valenzuela,
tinakbo si Mae Ann sa Philippine
Orthopedic Center. Isang oras din
ang tinagal ng biyahe. Pumila pa
siya, sa dami ng pasyente.
Maraming pang biktima
Karima-rimarim
ang
nangyari kay Mae Ann. Pero
hindi siya ang una o huling
naaksidente—sa kompanya pa
lang nila. “Pangatlo na ako. May
mga naputulan ng daliri dati.
Pero ako na ang pinakamalubha,”
aniya.
Noong araw ring iyon,
may isa pang manggagawa,
tinamaan ng bakal sa ulo. Ani
Mae Ann, dinala lang siya sa
canteen. At ginamot—ng dinikdik
na dahon ng malunggay. “Wala
man lang first aid,” aniya.
Mistulang bukas na
sikreto sa lungsod ang mga
kuwento ng aksidente sa
mga manggagawa sa loob ng
mga pagawaan. Matindi ang
kalagayan ng mga pagawaan:
Kadalasang maiinit, kulang sa
bentilasyon, kulang o walang
kagamitang
proteksiyon
sa
manggagawa. Langhap ang amoy
ng mga kemikal na ginagamit sa
mga plastik at bakal. Maiinit at
mapanganib ang mga makina.
Kulang sa maintenance. Laging
nasisira.
Sa pabrika ng Sampson
Build
Product
Corporation
sa Valenzuela, nagtrabaho si
Aling Lea (di tunay na ngalan).
Nagtatrabaho siya sa mga tela,
pero langhap niya ang lahat ng
alikabok at amoy ng mga kemikal
ng plastik sa buong pabrika. Dahil
dito, nagkasakit siya ng matinding
sinusitis. At dahil sa sakit niya,
tinanggal siya sa trabaho.
“Kaya nireklamo ko sila
sa DOLE (Department of Labor
and Employment),” ani Aling Lea.
Nakakuha siya ng backwages.
Ngayon, wala na siyang trabaho,
at nagtitinda na lang ng lutong
pagkain sa kanilang bahay sa
Pearl Island, Valenzuela. Pero
kapag inaatake ng matinding ubo,
hindi siya nakakapagluto. Walang
mapakain sa mga anak kapag di
nakakapagtrabaho.
Samantala, inilalaban
din ni Mae Ann ang kaso niya sa
DOLE. Noong una, aniya, inalok
siya ng settlement na P80,000.
Habambuhay ang pagkawala
ng kamay, at pagkawala ng
kabuhayan. Ang P80,000, sa
ilang buwan lang, ubos na. Hindi
siya pumayag. Tinanong din niya
sa manedsment ng kompanya
kung papaano ang pagkubra
niya sa Social Security System
(SSS). Ang sabi ng kompanya,
sa kanyang ahensiya (dahil
kontraktuwal siya, at sa ahensiya
“regular”) itanong. Pero ang
ahensiya, hugas-kamay rin.
Inakyat sa P130,000 ang alok ng
kompanya. Basta huwag na raw
kumubra sa SSS. “Napag-alaman
kong hindi pala sila nagbabayad
sa SSS ko, kahit kinakaltasan
ako,” kuwento pa ni Mae Ann.
Kaya pala ayaw na siyang
pakubrahin sa SSS, kasi tiyak
na mabubuking ang ahensiya
at kompanya na binubulsa
lang nila ang kontribusyon ng
mga manggagawa sa SSS at di
binabayad. Tumanggi siya sa
bagong alok, at inireklamo na sa
DOLE.
“Sa ngayon, wala pa rin
silang kontak sa akin,” ani Mae
Ann, patungkol sa kompanya at
manedsment. “May nakapagsabi
5
ang Pilipinas sa kilala pagdating
sa mga produktong agrikultura.
Ngunit tayo na ay nag iimport na
din ng bigas mula sa ibang bansa.
Anong nangyari?
Kamakailan lang ay
inanunsyo ng Philippine Statistics
Authority (PSA) na pumalo na
sa 6.4% ang inflation rate ng
bansa. Ito raw ang pinakamataas
sa mahigit syam na taon. At
dahil dito ay naging kakaunti
na lamang ang nabibili ng mga
mamamayan dahil sa kakarampot
nilang kinikita. Hindi na sapat
para karaniwang tao.
Samantala, hindi naman
maiiwasan na sisihin ng iilan
ang pagkakaroon ng TRAIN
LAW sa bansa. Mula raw
kasi nang ipatupad ito noong
Enero kung saan mataas ang
ipinataw na buwis nito sa mga
produkto kabilang na ang mga
petroleum products. nagkaroon
na ng sunud-sunod na oil price
increase. Nagtaas ng 1.00 ang
gasoline at diesel. Sinasabing
lahat ay apektado sa nasabing oil
increase dahil sa pagdedeliber ng
produkto. Napakaraming
mahihirap sa bansa. At isa
ito sa nais solusyunan ng
gobyerno.
Kahirapan.
Pero
paano matutulungan ang mga
mahihirap na makaahon, ang
mga manggagawang kulang pa
nga ang kinikita sa araw-araw,
kung kasabay naman nito ang
pagtaas rin ng mga pangunahing
produkto? Paano sila makakalaya
sa walang pagbabagong takbo
ng kanilang kinabukasan kung
hindi naman talaga nabibigyang
solusyon ang kahirapan?
Taasan ang sweldo ng
mga manggagagawa. Iyak yan ng
karamihan. Dapat ay tignan ito ng
pamahalaan. Marami ang hindi
nakakakain ng tatlong beses sa
isang araw dahil sa kakulangan.
Gumawa tayo ng aksyon. Huwag
sanang hayaan ng mga nasa
posisyon ang problemang ito.
Sana kahit papaano ay naiisip nila
na ang bawat pera na binubulsa
nila mula sa ilegal na pamamaraan
ay pera rin ng bayan. Mayaman
lang ang nakakaahon. Ang
mga mahihirap ay nananatiling
nakasadlak sa kahirapan.
sa akin (na dating katrabaho
sa pabrika) na di na raw ako
makakapasok sa compound (ng
pabrika).”
Di biro ang dinaranas niya:
Araw araw na sakit ng katawan,
pangangalay. Wala pa riyan ang
pakiramdam na hindi na siya
kumpleto, wala nang kamay, hindi
na pantay ang katawan, tagibang
na. May panahong nagkulong
lang siya sa bahay, sa hiya, at para
iwasan ang pangungutya.
Napangibabawan lang
niya ito nang magdesisyong
ilaban ang kanyang kaso—
sa tulong ng Kilusan ng
Manggagawang Kababaihan at
iba pang progresibong grupo sa
lugar.
Bulnerable kasi kontraktuwal
Bulnerable ang mga
manggagawang tulad nina Mae
Ann at Aling Lea sa mga aksidente
sa di-ligtas na trabahuan. Bukod
sa di-ligtas na mga pagawaan,
bulnerable rin sila sa kanilang
istatus sa trabaho—bilang mga
kontraktuwal.
Si Mae Ann, pinagpasa-
pasahan sa pagitan ng kompanya
at agency noong nagtatanong na
tungkol sa kompensasyon niya
bilang biktima ng aksidente sa
trabaho. Nagtuturuan ang dalawa
sa kung sino ang dapat managot.
Nitong Lunes, Agosto
20, pinirmahan ni Pangulong
Duterte ang
Republic Act
11058 o An Act Strengthening
Compliance with Occupational
Safety and Health Standards
(OSHS). Batay ito sa panukalang
batas ng Gabriela Women’s
Party. Bagamat “napahina” ang
mga probisyon nito sa proseso
ng deliberasyon sa Kongreso,
maituturing na dagdag na legal
na kasangkapan ito ng mga
manggagawa para igiit ang
karapatan sa ligtas na lugar ng
trabaho.
Ayon kay Rochelle
Porras, executive director ng
Ecumenical Institute for Labor
Education and Research (Eiler),
medyo kumapos ang naturang
bagong batas, halimbawa, sa
pagpataw ng P100,000 lang kada
araw na multa sa bawat araw ng
paglabag ng kompanya. “Gusto sana natin i-criminalize (ang mga
paglabag ng mga kompanya),”
aniya. Gayunman, magagamit
ang batas, halimbawa, para igiit
ang inspeksiyon sa mga pabrika
sa loob ng export processing
zones, anumang oras. Gagawin
din umanong mas istrikto ang
pagpapatupad ng maayos na
pagsasanay sa mga manedsment
at manggagawa kaugnay ng
safety.
Para
sa
Institute
for Occupational Health and
Safety Development (Iohsad),
“Malaking ganansiya pa rin ang
makasaysayang pag-apruba sa
OSH Bill para sa hangad ng mga
manggagawa at biktima para sa
hustisya. Positibong hakbang
ito sa kampanya natin para igiit
ang batayang karapatan ng mga
manggagawa sa kalusugan at
kaligtasan.”
Gayunman, tulad ng
iba pang deklarasyon o hakbang
ni Duterte kaugnay ng mga
manggagawa, ang mahalaga’y
maayos na maipatupad ang batas
na ito—para bigyan-hustisya
ang mga biktima (tulad ng 74
manggagawang nasawi sa sunog
sa pabrika ng Kentex sa Valenzuela
din, noong Mayo 2015). Ang
problema, kung pagbabatayan
ang
implementasyon
sa
deklarasyon ni Duterte kontra
sa
kontraktuwalisasyon,
malamang na hindi basta-basta
maipapatupad ang batas ng
mga kapitalistang gusto laging
nakakatipid kahit napapahamak
ang mga manggagawa.
Para kina Mae Ann
at Lea, natutulak lang ang
gobyerno at mga kapitalista kung
kumikilos at nagbubuklod ang
mga manggagawa sa paggiit ng
kanilang mga karapatan. Pareho
silang matapang na nagsampa ng
kaso sa mga kompanyang pabaya
sa kanilang kalagayan.
Pero higit dito, nakikiisa
sila sa kolektibong pagkilos
ng mga manggagawa—tulad
ng mangyayaring Martsa ng
Manggagawa sa Agosto 27
sa Mendiola para igiit ang
pagpawi sa kontraktuwalisasyon
at paggalang sa kanilang mga
karapatan.
BY: Kathryn A. Arlan