Ang Caviteno Newsweekly January 08-14, 2018 Issue | Page 4

LANDAS PATUNGONG PASISTANG DIKTADURA

4 OPINYON Enero 08-14 , 2018

Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Cavite na inilalathala tuwing Lunes / PRINTING PLANT : Sinag Publishing & Printing Services , National Highway , Brgy . Parian , Calamba City , Laguna . Tel nos . ( 049 ) 834-6261 & ( 049 ) 5763112 / OFFICE ADDRESS : Blk . 25 , Lot 4 Ph-1 Greensborough Subd ., Sabang , Dasmariñas , Cavite / Subscription fee : One year P360.00 Six Months : P180.00 / Commercial Advertising rate : P200 per column cm and legal notices P160 per column cm / MEMBER : Publisher ’ s Association of the Philippines , Inc . ( PAPI ) / Raia Jennifer E . Dela Peña Managing Editor / P . L . Villa , RC Asa Contributing Editors / Aaron Paul Gueta , Jacquilou Lirio , Maria Carlyn Ureta , staff writers / Ruel T . Landicho Lay-out Artist / Ezra Loscos Legal Consultant . email add : tambuli _ press @ yahoo . com & sinagprinting @ gmail . com

LANDAS PATUNGONG PASISTANG DIKTADURA

by Pinoy Weekly
SA pagtatapos ng taong ito , kumpleto na ang pagpihit ni Duterte tungong pasismo at diktadura . Nagdeklara na siya ng giyera sa buong sambayanang Pilipino . Iigting ito sa susunod na taon . Nagsimula ang taon nang puno ng pangako . Nagtalaga si Pangulong Duterte ng mga progresibo sa gabinete . Nagdeklara siya ng “ pagkalas sa Amerika ,” habang tinatahak ang isang tunay na “ independiyenteng polisiyang panlabas .” Umuusad ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines ( NDFP ). Nangako siyang wawakasan ang kontraktuwalisasyon , habang pag-iisipan ang pagpapatupad ng isang pambansang minimum na sahod sa mga manggagawa . Sinuportahan niya ang libreng edukasyon sa kolehiyo . May moratoryo sa mga demolisyon habang walang relokasyon . Pero simula ’ t sapul , si Duterte mismo ang naglatag ng batayan sa pagtungo niya sa lantarang pasismo . Sa kabila ng walang-tigil na pamumuna ng progresibong kilusan kontra sa kanyang Oplan Tokhang na bumiktima sa libu-libong maralita , pinatindi lang ito ng kanyang rehimen . Nagtalaga siya ng economic team na tumatahak pa rin sa landas ng neoliberal economics – o ang bigong mga polisiya sa ekonomiya na lalong nagpahirap sa mga mamamayan sa nakaraang mga administrasyon . Untiunti siyang nagtalaga ng mga retiradong heneral at opisyal sa sibilyang mga posisyon sa gobyerno . Samantala , hindi talaga siya nagputol ng ugnay sa US ; ipinagpatuloy niya ang mga ehersisyong militar na Balikatan . Patuloy naman ang banat niya sa independiyenteng mga institusyon ng gobyerno tulad ng Hudikatura , habang kinokonsolida ang kontrol sa Kongreso . Unang pihit ng rehimen : ang pagputok ng digmaan sa Marawi , sa tulong ng mga tropang Kano . Panahong ito , biglang umatras si Duterte sa ikalimang round ng usapang pangkapayapaan . Nagdeklara siya ng batas militar sa buong Mindanao . Matapos nito , di sinuportahan ni Duterte sina Judy Taguiwalo at Rafael Mariano sa Commission on Appointments . Samantala , pangalawang pihit : Matapos bumisita si US Pres . Donald Trump sa panahon ng Asean Summit noong Oktubre , dineklara muli ni Duterte ang pagtigil sa pakikipagnegosasyon sa NDFP . Dineklara niyang terorista ang New People ’ s Army at Communist Party of the Philippines , at nagbanta ng crackdown sa mga miyembro ng legal na progresibong mga organisasyon . Nitong nakaraang mga linggo , iniutos niya ang pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao hanggang 2018 , at ipinasa ang “ reporma sa buwis ” na magpapataas sa batayang mga bilihin ng mga maralita . Sa pagtatapos ng taong ito , kumpleto na ang pagpihit ni Duterte tungong pasismo at diktadura . Nagdeklara na siya ng giyera sa buong sambayanang Pilipino . Iigting ito sa susunod na taon . Maghanda .
NOONG kamakailan , napanood ko ang isang bahagi ng gabi ng parangal ng Metro Manila Film Festival , iyung konsiyerto ng magaling na mang-aawit na si Lani Misalucha . Sa isang yugto ng konsiyerto , itinanghal niya ang ayon sa kanya ’ y tanyag nang bahagi ng mga palabas niya sa ibang bansa : ang nakakatawang panggagaya niya sa pagkanta ng mga mang-aawit na sikat sa buong mundo – Natalie Cole (“ Starting Over Again ”), Anita Baker (“ No One in the World ”), Angela Boffil (“ Angel of the Night ”) at Dionne Warwick (“ I ’ ll Never Love This Way Again ”). Maraming beses pinalakpakan ang pagtatanghal . Maraming beses ding tumawa ang mga tao – hindi ko nga lamang alam kung saan .
Hindi ko maintindihan , pero nalungkot ako . Habang nanonood , naramdaman kong parang bahagi at sintomas ang pagtatanghal ng hindi maganda sa lagay ng bansa natin . Naalala ko ang nalulungkot na pagbasa ng Aprikano-Amerikanong manunulat na si Alice Walker , sa isang sanaysay sa libro niyang In Search of Our Mother ’ s Gardens [ 1984 ]: “ Pinaslang ang ating mga pinunong moral . Sinasamba ng ating mga anak ang kapangyarihan at droga , madalas na kalokohan ang ating opisyal na pamunuan , na kadalasang mapaniil . Ang ating pinili at pinaka-iginagalang na mangaawit ng soul – na may di-hayag na tungkuling ipaalala sa atin kung sino tayo – ay naging isang blonde .”
Kung sabagay , matatawa talaga ang marami sa mga manonood , na galing marahil sa mga uring panggitna at nakakataas , at nakatira sa mga lungsod . Bukod sa arawaraw maririnig sa mga estasyon ng radyo ang mga kanta ng mga mangaawit na nabanggit , marami na rin ang nakakita sa kanilang magtanghal – sa telebisyon , CD o DVD , o sa YouTube . Alam ng mga marami ang tinis ng boses ni Natalie Cole at ang kalmadong pagkanta niya , ang malaki pero parang lumilipad na boses ni Anita Baker at ang maalab na pag-awit niya , ang boses ni Angela Boffil na minsa ’ y tila galing sa ilong at sinasabing ginagaya ni Sharon Cuneta , at ang malamig na boses at itsura ni Dionne Warwick .
Higit pa diyan , masasabing mayroon na ring kultura ng panggagaya ang mga Pinoy sa pagawit ng mga kantang masasabing bahagi ng “ kulturang popular ”.
Ni Teo S . Marasigan

Hey , Lani / You , Lani *

May ilan nang manunulat – kasama ang isang Pico Iyer ng Time – ang pumansin kung paanong nagkalat sa mga videoke bar ang karaniwang mga Pinoy na bumibirit nang katulad ng mga idolo nilang dayuhang mangaawit . Itinuturing ding papuri sa mga bar na ito ang “ plakado ”. Halimbawa : “ Plakado mo si James Ingram , ah .” Lagi ring idinidikit ang mga Pinoy na mang-aawit sa mga dayuhan : mula sa Claire dela Fuente = Karen Carpenter at Gary Valenciano = Michael Jackson (?!) hanggang sa Sarah Geronimo = Celine Dion .
Karugtong din nito ang “ fickle cycle of recycle ,” sa mga salita ng kritikong si Patrick D . Flores , o ang walang kamatayang pagre-revive sa mga kanta , sa industriya ng musika sa bansa . Haluan ito : May bahagi ng panggagaya at may bahagi naman ng pagbago sa orihinal na pagkanta . Halimbawa ng huli ang bersiyon ng “ Upside Down ” ng 6cyclemind at mga kanta ni Sitti . Pero kapansinpansing hindi pumatok ang album ni Nina ng mga revival ng mga kanta ni Barry Manilow , pero sumikat siya sa naunang pagbirit niya ng mga revival . Trahedya na inilaan ni Jaya ang boses niya sa walang kalatuylatoy na “ Is It Over ?” Kung anuman , pagkilala ito sa orihinal na mga kanta – kapwa Pinoy at dayuhan .
Hindi ko lang alam kung sasapat ang paliwanag ng “ kaisipang kolonyal ” o colonial mentality sa usaping ito . Kahit paano , ipinapahaging kasi ng paliwanag na ito na may pagpipilian ang ordinaryong mga Pinoy at mga musikerong Pinoy . Pero ang nakikita natin , napakalakas ng tulak sa kanila na gawin ang ginagawa nila . Binabaha halimbawa ang karaniwang mga Pinoy ng musikang dayuhan – sa porma ng pop at iba pa , at awit din ng mga dayuhan . Sa isang banda , nagrerevive ang mga musikerong Pinoy para mabilils na makilala , o kaya ’ y manatili sa ere kahit sa ilang panahon lang – bagamat totoo rin namang tumatangkilik ang mga tagapakinig sa mahuhusay na orihinal na awit .
Hindi lingid sa marami ang kakayahan sa pagkanta ni Lani : Noon , pinipilahan pa nina Dulce , Dessa at iba pa ang “ I Will Always Love You ” ni Whitney Houston para maabot ang nota . Iyun pala , isang Lani lamang , kaya nang simulan at tapusin ang kanta nang mahusay . Pero trahedyang wala pa rin siyang sikat na kanta . Sa puntong ito , maraming usapin : mga nagsusulat para sa kanya ng kanta , pagbibigay ng proyekto ng mga kompanya sa telebisyon at recording , at iba pa . Kaya nga ginawa rin niya dating itanghal ang panggagaya niya sa sikat na mga mang-aawit na Pinoy – Sharon Cuneta , Zsa-Zsa Padilla , Jaya . Mapagkumbabang pag-amin ito sa dating trabaho niya sa mga minus one .
Pero ang panggagaya niya sa sikat na mga dayuhang mangaawit , sa ilang panahong pagshoshow niya sa Las Vegas , ay pagsisikap hindi lamang para kumita , kundi para mapansin ng mga nasa industriya ng musika sa US . Kakatwang para magawa ito , kailangan muna niyang magtanghal ng ganito – ipakitang kaantas niya sa talento ang mga dayuhang mang-aawit pero hindi niya kaantas sa katayuan ; na katulad siya ng mga ito pero hindi ; na alam niya ang lugar niya kahit nag-aasam siya ng mas mataas . Pamilyar na tayo sa ganito : mga Pinoy na nagsikap pumasok sa international music scene pero umuwing bahagya lang nagtagumpay : Martin Nieverra , Leah Salonga …
Sa kanyang mga sulatin , palaging inililinaw ni E . San Juan , Jr ., Pilipinong intelektuwal na nakabase sa US , na nakaugat ang pagiging mardyinal – nasa laylayan – sa US ng mga Pilipino sa pagiging neo-kolonya ng Pilipinas sa US . Aniya , nakaugnay sa paggigiit ng pambansang kalayaan ng mga Pilipino sa Pilipinas ang pagkilala at kapalaran ng mga Pilipino- Amerikano sa “ sinapupunan ng halimaw ”. Mahalaga ang punto niya hindi dahil itinuturo nito sa mga Pinoy kung paano magkakaroon ng natatanging puwang sa US , kundi para kilalanin ang ugat ng kawalan ng gayon , at para manawagang sana ’ y makilahok sa pagbago sa mga sanhing ito – na bukas kay Lani at iba pang mang-aawit .
Napabalitang ooperahan sa obaryo si Lani . Hangad ko ang tagumpay ng operasyon . Sana , pagkatapos , may mailuwal nang magagandang awitin para sa kanya – bukod pa ang pag-asam na may mailuwal nang bagong pulitika para sa bukod-tanging tinig niya .
10 Enero 2007