Ang Caviteno Newsweekly February 19-25, 2018 Issue | Page 5

Pebrero 19-25, 2018

OPINYON

Cavite handa na sa Barangay at SK elections 2018

MATUTULOY na ang synchronized Barangay Elections at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14 taong kasulukuyan. Ito ay mula sa COMELEC Resolution No. 10246. Dalawang buwan mula ngayon ay idedeklara na ang Election Period na mag-uumpisa sa Abril 14 hanggang Mayo 21. Ang filing of Certificates of Candidacy( COC) ay magaganap mula Abril 14 hanggang Abril 21. Ang campaign period naman ay masisimula sa Mayo 4 hanggang Mayo 12. Sa Hunyo 13 ang huling araw ng pagsumite ng Statements of Contributions and

‘ TITIBO-TIBO’ AT KULTURANG BABANO-BANO

by Ericson Caguete
NAGPAPALAGANAP ng bulok at mapang-aping kaisipan sa mga miyembro ng LGBT ang kantang sikat ngayon sa kabataan.
Medyo pumanting ang tainga ko sa videoke ng mga kapitbahay nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon. Maliban sa nakasanayan nang pakinggan tulad ng mga kanta nina Jerome Abalos, Rey Valera, Victor Wood, Tom Jones at, siyempre, ang nag-iisang Frank Sinatra. At dahil pabata nang pabata ang populasyon sa Pilipinas, di hamak na dominado ng millennials ang taun-taong estadistika. Dahil nakalakihan naming millennials ang videoke, magpapatalo ba naman kami sa aming mga tito / tita?
Nakatawag-pansin talaga sa akin nitong nakaraang Disyembre ang hit na“ Titibo-tibo” nina Moira dela Torre at Libertine Amistoso. Biruin mo, halos arawaraw mo itong maririnig sa bawat kalsadang may videoke. Bentangbenta sa millennials at kahit gradeschoolers ay kabisadongkabisado ito. Parang“ Stupid Luv” ng Salbakuta noong Grade 1 ako. Bilang mga musikero, maituturing na big break ito nina dela Torre at Amistoso.
Pero sa totoo lang, kapag nawala ang pagkahibang mo sa boses ng kumakanta ay isusuka mo ito at di mo pahihintulutan
Expenditures( SOCE).
Kaya naman, ang 829 Barangays sa lalawigan ng Cavite ay naghahanda na para maging maayos, tahimik, mapayapa at malinis ang gaganaping eleksyon. Kabi-kabila na ang paglulunsad ng mga mandatory trainings sa mga Brgy. Officials gayundin sa mga myembro ng Task Force on Youth Development o TFYD, alinsunod sa mandato ng DILG.
Paalala din na sa panahon na deklarado ang Election Period( Abril 14 hanggang Mayo 21), ipinagbabawal ang mga sumusunod: 1. Pagdadala ng baril o anumang
ang mga bata na kantahin ito.
Subukan nating himayin. Tungkol ang“ Titibo-tibo” sa babae na mula pagkabata’ y may tendensiyang lesbiyana, na nang lumao’ y nainlab sa isang lalaki. Mula raw noong nainlab, natuto na siyang gumawa ng“ girly things” tulad ng pagpa-rebond at mag-ahit ng kilay. Ayon pa sa kanta, may kung anong hiwaga rin daw ang halik ng lalaking iyon na bumuhay sa kanyang“ pagkababae”.
Bigla kong naalaala ang komento ng kumakandidato noong si Sen. Manny Pacquiaotungkol sa mga bakla. Sa panahong iyon, pinutakti siya ng mga puna sa social mediamaging ng celebrities tulad ni Boy Abunda. Siguro naman, may Facebook at Twitteraccounts sina dela Torre at Amistoso, o di kaya kahit TV man lang para mabalitaan itong nakakainsultong mga komento ni Pacman sa mga bakla. Marahil hindi sila malay sa komposisyon ng kanta nila dahil nananaig pa rin sa kanila ang kulturang macho. Pero curious ako kung may napagtanto nilang ang kabaligtaran ng titibo-tibo ay babakla-bakla? Mas masakit sa tainga.
Magandang halimbawa ang hit na“ Sirena” nina Gloc9 at Ebe Dancel na sana’ y naging inspirasyon nina dela Torre at Amistoso. Mababatid sa deadly weapon. Maging ang paglilipat nito sakay ng sasakyan ay bawal din. 2. Paglipat o pag-detail sa mga opisyales o empleyado sa pampublikong serbisyo kasama ang mga public school teachers. 3. Paggamit ng security personnels o bodyguards ng mga kandidato. 4. Pag-suspinde sa anumang elected position sa antas probinsya, bayan, lungsod at maging sa barangay.
Bilang dating Kapitan ng Brgy. Panapaan 7 sa Lungsod ng Bacoor, ako ay lubos na natutuwa dahil sa kabila ng ilang beses na pagsuspinde ng Barangay at SK Elections, sa wakas, ay matutuloy na ito. Ako ay naniniwala na sa isang matatag at maayos na pamamahala sa bansa ay nagsisimula sa matatag at maayos na pamamahala sa mga Barangay. Ang ating mga butihing Barangay Officials ang siyang mahigpit nating katuwang sa pagpapatupad ng mga batas sa
kabuuan ng liriko ang matinding pagbangga ng persona sa kinalahakihan niyang kultura: na anumang mangyari, ito ang kanyang gusto at wala kayong magagawa. Tanyag sa huling bahagi ng kanta ang mga linyang“ Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha / Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla.” Ganoon din ang konteksto sa kanta ng Siakol na“ Ituloy Mo Lang”.
Hindi ko mawari kung anong mayroon sa bumubuo ng Himig Handog 2017 at ipinapanalo nila ang ganitong mga klase ng kanta. Isipin mo na lang, sa buong ABS-CBN, ilan ang bakla at tibong empleyado nila? Sa likod ng naggagandahang mga set ng mga estasyon ng telebisyon ang duguang bakbakan ng mga editor, staff, at iba pang bumubuo rito. Naisip ko lang talaga kung bakit wala silang komite para suriin ang nilalaman ng kanilang komposisyon. Baka siguro kapag may nagsumite riyan ng tungkol sa pag-iibigan ng dalawang NPA, at may backings na“ Mabuhay ang rebolusyon” eh tiyak na ise-censor nila ito. Hindi rin naman ako naniniwalang dahil sa freedom of expression kaya di nila iyon pinapalitan. O baka tropa-tropa rin sa judgetulad sa mga kontest at palihan sa pagsusulat. Kung anuman iyon, hindi natin alam.
Kung tutuusin, di naman bago ang“ Titibo-Tibo.” Nariyan
kani-kanilang mga nasasakupan. Sila ay nagseserbisyo 24 / 7 at maaasahang mapanatili ang kaayusan, katahimikan at pagunlad ng kanilang barangay.
Mas lalong higit ang aking kasiyahan nang malaman kong matutuloy na ang Sangguniang Kabataan Elections. Mula sa bagong SK Reform Act 10742, naniniwala ako na mas magiging maayos ang pamumuno sa mga kabataan sa ating bansa. Tulad ko, bilang isa sa mga batang Bise Gobernador sa ating bansa, hindi ko mailalayo sa aking tungkulin ang paglingkuran ang mga kapwa ko kabataang Caviteño. Una lagi sa aking adbokasiya na bigyang pagpapahalaga ang boses at karapatan ng bawat kabataan sa lalawigan ng Cavite. Kaya naman, hinihikayat ko ang lahat ng mga kabataang Caviteño na makiisa at makisangkot sa gaganaping SK Elections ngayong Mayo.
Nais ko ding bigyan ng paalala ang lahat ng mga kandidato sa mga sumusunod na pinagbabawal na probisyon sa panahon ng Kampanya( Mayo 4 hanggang Mayo 12): 1. Magbigay ng anumang donasyon, maging pera man o bagay. 2. Magtala o gumamit ng special policemen o confidential agents.
ang“ Di Ako Bakla” niTuesday Vargas. At siyempre, ang grabeng panlalait ni Bitoy sa kanyang kantang“ Mamaw.” Kung ganito ang mga kinalalakihan natin, matinding pagbakbak talaga sa machismo ang kailangang gawin. At hindi ito mabubura basta-basta ng band-aid solution, o di kaya’ y pagbibigay ng karapatan sa LGBT na maging public official. Kailangan sa’ tin, tabula rasa. Tipong buburahin natin ang lahat ng alam nating mali sa lipunan. Nasa nagpapalaki rin sa atin iyan. Kung kupal ang gobyerno, asahan na rin nating kupal ang lipunan. Pero siyempre, kailangan mong makuha ang pampulitikang kapangyarihan. Ibang usapin pa iyon. Hehe.
Ano pa bang magagawa natin ngayong nasa mga videoke na ang kanta? Nakatatak na sa isip natin at kalat na sa lyrics sites ang“ Titibo-tibo”. Sabi ng isang kaibigan, naimortalisa na raw dahil nakarekord na. Pero oks lang‘ yan, sa mga susunod na panahon, pagtatawanan na lang natin ito tulad ng mga ex ninyo.
Kung babalikan ang kasaysayan, mahihinuha natin kung paano umunlad ang musika sa paglipas ng mga panahon. Kung noon, sa Europa, para sa mga aristokrata lang ang musika, abot-kamay na ngayon ito sa pamamagitan ng smart phones. Isang Googlesearch na lang, mada-download mo na. Naging tulay rin ang musika sa pagpapalakas ng kilusang masa para sa pagbabagong panlipunan. Tanyag noon sa US ang awitin nina Bob Dylan at John Lennon upang kondenahin ang giyerang pananakop ng US sa Vietnam at paggigiit sa karapatan ng mga Aprikano-Amerikano. Naging

5

3. Pagtatayo at pagsasaayos ng mga kalsada at tulay na pinondohan ng Barangay. 4. Pagtatalaga o pagkuha ng mga bagong empleyado, paglikjha ng bagong posisyon, promosyon, pagdaragdag ng sweldo, bayad at iba pang pribilehiyo.
Tandaan natin na sa panahon ng eleksyon, LAHAT NG MGA PILIPINO AY PANTAY- PANTAY. Walang anumang partidong kinabibilangan ang mga kandidato. Ang mga mayayaman ay pareho lamang ang bilang ng boto sa mga mahihirap. Ito ang panahon kung saan ay mabibigyang pansin an gating karapatan sa pagpili n gating mg leaders at sino ang gusto nating bigyan ng mandato para tayo ay paglingkuran. Kaya naman, huwag nating sayangin ang pagkakataong ito. Nasa mga kamay natin ang tatakbuhin n gating hinaharap sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong maglilingkod sa atin at lahat ng ito ay siguradong magagawa natin dahil sa NAGKAKAISANG CAVITE, WALANG IMPOSIBLE!
Kaya sa lahat ng mga kapwa ko Pilipino, tayo ay makialam, makisangkot, bumoto at magpaboto. Dahil karapatan natin ito. Kaya PINOY, IKAW ANG IDOL KO!
boses naman ng maralitang tagalungsod sa London ang punk band na The Clash. Sa Pilipinas, naging tanyag noong dekada’ 80 ang“ Tatsulok” ng Buklod.
Pero siyempre, hindi ang mga ito ang nagpabago sa mga lipunan. Mga mamamayan pa rin ang mapagpasya. Mababatid na ang lahat ng ito’ y salamin ng anumang catalyst sa mga lipunan. Kung di naman dahil sa mga Black Panther, hindi maisusulat ng The Beatles ang kantang“ Black Bird”. Kung di rin bumagsak ang Berlin Wall ay walang“ Wind of Change” ang Scorpion. Kung di nga naman ganoon kasalimuot ang mamuhay sa ghetto, walang maisusulat na mga obra si Tupac Shakur.
Sa huli, isa lang naman ang sasabihin ng mga Marxista: ang lahat nang ito’ y bahagi ng umiigting na tunggalian ng mga uri sa lipunan. Madugo ang kasaysayan ng sangkatauhan, masalimuot ang ating proseso sa pagpapakatao. Kaya’ t pagtiisan mo muna ang“ Titibo-Tibo”. Sabi nga’ t kung gaano raw kabilis ang pagsikat, ganun rin kabilis ang pagkalaos. Basta, huwag mo lang lalaitin‘ yung mga masang nakikinig ng ganitong kanta.‘ Wag kang mag-ala JD Salinger o Ayn Rand kasi baduy. Hayaan mo, kapag nagtagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon, baka lahat ng musikero sa Pilipinas maging jazz player at wala ka nang mababasang angas sa social media na“ OPM is Dead.” Charing!
May joke ako bago mo ito matapos basahin: Paano mo gagawing bulok ang nonbiodegradable?
Eh di, ipalamon mo sa sistema!