Ang Caviteno Newsweekly February 12-18, 2018 Issue | Page 5

Pebrero 12-18 , 2018

OPINYON

OWWA ’ s Balik – Pinas , BalikHanapbuhay assists distressed OFWs to start over

MANY Filipinos still opt to go abroad in search for greener pasture but not all overseas workers find success , there are others who are caught in bad situation or experience that force them to come home weary , penniless and beaten .
Rosana ( not her real name ) had a big dream for her family when she went to Cyprus to work as a domestic worker . Sadly , she

PAGHARANG SA TRAIN

by Priscilla Pamintuan
SAGASA sa kakarampot nang sahod ng mga manggagawa ang Train Law ng rehimeng Duterte . Pinababasura nila ito , habang inilalaban ang pagbasura sa kontraktuwalisasyon at pagkakaroon ng pambansang minimum na sahod .
“ Puro kangkong na lang bibilhin ng mga namamalengke .”
Linggu-linggong namimili si Aling Nene sa palengke ng Tandang Sora sa Quezon City . Nagluluto siya sa bahay para sa pamilya , pero nagluluto rin para sa mga katrabaho sa isang opisina ng NGO sa Quezon City . Tulad ng maraming namamalengke , pansin niya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin pagtuntong ng Enero ngayong taon .
“ Umabot sa P220 na ang baboy . Ang nagtaasan talaga , mga gulay ,” ani Aling Nene . Iyung dating itinuturing na pagkain ng mahihirap — gulay at mga isdang katulad ng galunggong — napansin niyang grabe ang itinaas .
Madali namang matanto ang dahilan ng mga pagtaas . Nagtaasan kasi ang mga produktong langis pagtuntong ng Enero ngayong taon . Ang petroleum , tinatayang P8kada litrong dagdag-presyo ang itinaas . Ang deisel at kerosina naman , nagtaas ng P2.50 hanggang P3 kada litro . Tumaas naman ng piso kada litro ang LPG .
Kung kaya , pansin ni Aling Nene na iyung mga namamalengke na kapos ang badyet , mas madalas na bumibili na lang ng kangkong — na nagkakahalagang P10 . “ Grabe ang itinaas ng pipino . Ganun din ang ampalaya .” Siyempre , nagmahalan din ang dati nang mas mahal na mga gulay tulad ng broccoli . Sagasa ng Train
Ang salarin , siyempre , ay ang pagpatas ng excise tax ( o buwis sa paglikha ng mga produkto ) na iniutos ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion ( Train ) Law , o ang Republic Act No , 10963 . Maliban pa sa excise tax sa langis , nagpapataw rin ang Train Law ng excise tax sa mga produktong may asukal at high fructose corn syrup ( tulad ng softdrinks at iba pang matatamis na inumin ). Nagpapataw rin ito ng dagdag-buwis sa estate , donor at documentary stamp tax . Samantala , dineklara naman ang exemption o hindi pagbubuwis sa mga sumasahod ng P250,000 pababa kada taon ( o P20,833 pababa kada buwan ). met a bad employer who treated her inhumanely , in addition to the overwork but underpaid employment status .
There is also the story of Ana ( not her real name ) who applied for a work abroad as a babysitter . She was forced to take care not only the two children of her employer but also their pets , four dogs and four cats . She tried to endure the situation but
Nauna nang ibinunyag ng blokeng Makabayan ang pagragasa ng administrasyong Duterte sa mga proseso ng Kongreso ( tulad ng presensiya ng quorum o simpleng mayorya sa botohan ) para ipasa ang Train Law noong Disyembre 2017 . Nakadagdag ito sa suspetsa ng mga mamamayan na ayaw pagdebatehan ng administrasyon ang Train dahil malinaw na matindi ang epekto nito sa mga mamamayan — magsisitaasan ang presyo ng mga bilihin .
Dahil sa mga agam-agam ng publiko , nag-isponsor kamakailan ang mga organisasyong estudyante , sa pangunguna ng UP Praxis sa Unibersidad ng Pilipinas ( UP ) Diliman ng porum hinggil sa Train Law . Sa porum na ito , nakumbida ang Department of Finance ( DOF )— na siyang pangunahing tagapagtaguyod ng Train Law , sa suporta siyempre ni Duterte — para magpaliwanag .
Isang technical assistant to the undersecretary lang ang dumating . Isang Jayson Lopezang nagsalita , at inilarawan niya ang mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin bilang “ moderate ” o katamtaman lang . Ang sabi pa niya , madali namang makakaagapay ang mga manggagawa sa pagtaas na ito dahil “ 90 porsiyento ng minimum wage earners ” ay makakauwi ng mas malaking take home pay gawa ng exemption o di kaya ’ y mas mababang income tax .
Aniya , ayos lang ito , dahil ang kapalit naman ay dagdag na badyet para sa “ mga serbisyong panlipunan .” Tampok sa mga serbisyong babadyetan : ang programang Build ! Build ! Build ! ng rehimeng Duterte , o ang planong pagtatayo ng malalaking imprastraktura tulad ng dagdag na mga kalsada , sistema ng tren , paliparan , at iba pa . Di-totoong paratang
Sa naturang porum , buung-buong pinabulaanan ni Sonny Africa , executive director ng Ibon Foundation , ang sinabi ng kinatawan ng DOF .
( Ang Ibon Foundation ay isang kilalang independiyenteng institusyon na masusing nag-aaral ng mga isyung pampulitika at pangekonomiya mula sa punto-de-bista at kapakanan ng ordinaryong mga mamamayan .)
Unang una , ani Africa , malinaw na hindi katamtaman o moderate lang ang epekto ng dagdag-presyo ng mga bilihin sa ordinaryong mga mamamayan . “ Sa mayaman , halimbawa , walang she developed skin allergy due to the pets . She came home with rashes and hives as reminders of her unfortunate experience .
For distressed OFWs like them , the Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA ) offers the Balik – Pinas , BalikHanapbuhay program that among others provides P20 000 cash assistance to help them start a livelihood project or expand
halaga sa kanya ang P1,000 . Pero sa mahirap ( napakabigat nito ),” aniya . Ang batayang problema ng Train Law , ani Africa , ay hindi ito nakabatay sa aktuwal na reyalidad ng Pilipinas — kung saan mayorya ng mga mamamayan ay naghihirap , walang trabaho o kundi ma ’ y may mababang sahod sa trabaho o walang regular na trabaho .
Sinusugan ito ni Jerome Adonis , pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno ( KMU ). Sa naturang porum din , sinabi niyang malinaw sa datos noong 2017 hinggil sa lakas-paggawa ng bansa na karamihan ng manggagawang Pilipino ay naghihirap na — wala pa mang Train Law .
“ Sa datos noong 2017 , labor force ay 61.1 milyon . Sa loob nito , 38 milyon ang nakaempleyo . Sa nakaempleyo , 24.6 milyon ay pawang mga kontraktuwal ,” ani Adonis .
Sa mga manggagawang nakaempleyo , aniya , tinatayang aabot lang sa 46 porsiyentoang sumasahod ng minimum wage : sumasaklaw mula P255 kada araw ( para sa agricultural workers ) sa Autonomous Region for Muslim Mindanao o ARMM ( na may pinakamababa ), hanggang P512 kada araw ( para sa nonagricultural workers ) sa National Capital Region o NCR ( na may pinamakataas ).
“ 54 porsiyento ang hindi sumasahod ng minimum ,” dagdag pa ni Adonis . “ At karamihang ( empresa ), kahit minimum wage , vina-violate .”
Kahit pa hindi nagbabayad ng income tax ang mga manggagawa na sumasahod ng P250,000 kada taon pababa ( malinaw , ito ang mayorya ), malinaw umanong malaki ang ikinakapos ng minimum na sahod sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa .
“ Karamihan sa mga manggagawa , nangungupahan ( ng bahay ),” paliwanag ni Adonis . Kaya , sabihin na nating nagrerenta ang isang manggagawa na sumasahod nang minimum at may pamilya ng P2,000 sa bahay kada buwan . “ Ang buwanan na mga bayaran : ang tubig , sabihin na nating P300 . Sa kuryente P500 .”
Sa pagkain , sabihin na natin sa pamilyang anim ang miyembro , hindi ko alam kung katanggap tanggap ‘ yung P100 per head per day ,” aniya . Kung kaya , sa P600 kada araw , sa loob ng 30 araw — mahigit P18,000 kada buwan ang gastos .” Malinaw na kapos na kapos ang minimum na sahod na P512 kada araw o P13,312 ( sahod sa 26 na araw sa isang buwan ).
their existing business enterprise that would help them support their families .
The Balik – Pinas , BalikHanapbuhay is a package of livelihood support assistance intended to provide immediate relief to returning OFWs displaced by hostilities or wars or political conflict , victims of illegal recruitment or human trafficking or other distressful situations , distressed OFWs who seek shelter at the Migrant Workers and Overseas Resource Center that are due for repatriation , and repatriated OWWA – members who were employed by foreign employers but face financial difficulties due to bad economic condition .
OWWA – Cordillera OIC Regional Director Evelyn Laranang said returning displaced , repatriated or distressed OFWs , whether an active or inactive OWWA member , can apply for the Balik – Pinas ,
Wala pa riyan ang gastos sa pamasahe , gastos sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pagpapaaral sa mga anak .
“ Kaya nga , marami sa mga manggagawa , sinasanla na ang mga ATM card nila ,” sabi pa ni Adonis . “ Nag-uusap tayo rito na wala pang Train Law ,” sabi pa niya . “’ Yan din ang nagpapaliwanag kung bakit marami sa mga manggagawa , hindi nanakakapagaral ang mga anak . At kung may nagkakasakit , hindi makapagpagamot . malnourished ang mga anak .” Hindi sa serbisyo
Pero sabi ng DOF , para naman sa serbisyong panlipunan ng mga mamamayan ang Train Law . Totoo ba ito ?
Pinabubulaanan ito ni Africa . “ Sa 2018 ( General Appropriations Act , o ang taunang badyet ng gobyerno ), ang pinakamataas na pagtaas ay sa imprastraktura . Tama ba na sinasabi nila na para sa mga serbisyong panlipunan ang Train kung 69 porsiyento ng badyet sa pabahay ay binawasan ? ( Umabot sa ) 5.2 porsiyento lang ang itinaas sa social welfare na katulad noong nakaraang taon ? ( Umabot sa ) 6 porsiyento lang ang itinaas sa edukasyon — pangunahing para sa mga sahod pa at hindi sa pagpapalawak sa mga eskuwelahan natin ? ( Umabot sa ) 9 porsiyentolang ang dagdag sa kalusugan ?”
Katunayan , ani Africa , binawasan pa ang badyet ng mga pampublikong ospital nang P1.5- Milyon . Ang preventive health program naman ay tinanggalan ng P16.7-M .
Pansinin din ang mga programang Build ! Build ! Build ! ng rehimeng Duterte . Nakasentro ang mga flagship na programang pang-imprastraktura sa dati nang mayayamang probinsiya , ani Africa , at hindi sa pinakamahihirap na mga probinsiya . “ Lumalabas ,” aniya , “ na iyung nagbabayad para sa mga proyektong ito ( mga mahihirap ) ay hindi makikinabang dito .”
Kung kaya malinaw na hindi para sa mga manggagawa at mahihirap ang makokolekta mula sa Train Law . Sa kabilang banda , dahil sa pagbaba ng sinisingil sa income taxdahil sa batas na ito , lalaki ang income ng mga maalwan na sa buhay — o ang mayayaman .
Malinaw , ani Africa , na ginawa ang Train Law para padaliin ang pangongolekta ng gobyerno ng buwis sa mahihirap . “ Nakakakita tayo ng pagpihit mula sa direktang income taxes tungo sa consumption taxes ( o buwis sa mga ginagastos ). Takot ang gobyerno at mga mambabatas na taasan ang buwis ng mga mayayaman . Mabubuwisan din kasi sila personally , at ang kanilang backers ( sa naghaharing uri ), hindi

5

BalikHanapbuhay assistance at the OWWA Regional Office along Private Road , Baguio City . They can file their application within three years from the latest date of their arrival in the Philippines .
Laranang informed there were 132 beneficiaries of OWWA ’ s Balik – Pinas , BalikHanapbuhay program in 2017 in the Cordillera region . Sixty six of the beneficiaries come from the Baguio – Benguet area , 27 from Abra , 20 from Ifugao , Apayao with nine , Kalinga with six and four from Mountain Province . There are 30 application that are currently on process .
For other inquiries about the program , OWWA-CAR can be reached through hotline number 445- 2260 or mobile numbers 0999-994- 9296 or 0917-500-1294 . ( JDP / CCD- PIA CAR )
na susulpot sa susunod na eleksiyon ( kung bubuwisan ang mga iyon .”
Pero ang pagdagdag mismo sa buwis ng mga may grabeng yaman na mula sa naghaharing uri ang dapat gawin ng gobyerno , ani Africa . Buwisan ang yaman
Kung sana , ganito na lang , aniya : “ Paano kung bubuwisan ang pinakamayamang 150,000 pamilya sa bansa ? Kung buwisan na lang nang 20 porsiyento ang taunang income nila , kikita ang gobyerno ng P71- Bilyon . Kung bubuwisan naman nang 10 porsiyento ang sunod na 171,000 mayayamang pamilya , makakakuha ang gobyerno ng karagdagang P20-B .”
Kung bubuwisan lang ang 321,000 pinakamayayamang pamilya sa bansa nang 10-20 porsiyento , makakakuha ang gobyerno ng mahigit P90-B . Di hamak na mas malaki ang kikitain nito kaysa sa Train ,” ani Africa .
Ang batayang prinsipyo rito : buwisan ang yaman .
“ Lahat ng gobyerno o Estado , kailangan talaga ng buwis . Anumang gobyerno — maging NPA ( New People ’ s Army ), NDF ( National Democratic Front ) o MILF ( Moro Islamic Liberation Front ) man iyan sa kanayunan , o kahit gobyerno ng Pilipinas , kailangan mo ng buwis para sa operasyon . Pero kung magbubuwis ka , batay sa reyalidad ng Pilipinas .” Aniya , dapat lang na maningil ng buwis sa mga mamamayan nito . Ang problema , kung iyung mga mamamayang mahihirap — na may maliit na sahod o may kaunti o walang kabuhayan — pa ang pumapasan ng buwis . Samantala , ang pinakamayayaman sa bansa , bumebenepisyo pa sa pagbawas sa kokolektahing income tax .
Sinabi ni Adonis na dahil sa Train Law , lalong mahalaga ngayon ang paglaban para sa national minimum wage — o pagkakaroon ng pantay-pantay na pambansang minimum na sahod sa buong bansa . Nangangahulugan ito ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa buong bansa — dahil pare-parehod din naman ang batayang mga pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya , sa kanayunan ka man o sa lungsod .
Paiigtingin din ng KMU ang paggiit na ibasura ang kontraktuwalisasyon sa bansa , na direktang atake sa karapatan ng mga manggagawa na igiit ang kanilang karapatan .
Mahalaga ang paglabang ito , habang inaasahan pa ang pagpapatuloy ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin . Dahil kung hindi magkakaisa at lalaban ang mga manggagawa , hindi malayong umabot sa panahong kahit kangkong , hindi na kakayanin ng kanilang kakarampot na sahod .