Alam niyo ba ?
• Ang triathlon ay isang multi-discipline isport na binubuo ng swimming , cycling at running . Ito ’ y napakandang isports sapagkat mapapanatiling aktibo ang katawan at nagdudulot pa ng sari-saring saya .
• Ang Philippine Arena ang pinakamalaking enclosed arena sa buong mundo . Ito ay may lawak na hindi bababa sa 100 ektarya at aabot sa 55,000 na seating capacity . Idineklara ring itong Guiness Book of World Records na largest mix-used indoor arena .
Pagpupunyagi . Ang ilan sa mga Pilipinong atletang taas noong ibinibida ang medalya ng tagumpay .
http :// www . triathlonphilippines . com / wp-content / uploads / 2017 / 08 / f . jpg
TOMO X No . 4 Dulag , Leyte
HUNYO - NOB . 2017
PILIPINAS nag-uwi
Liksing may pangarap . Ang nagmamadaling si Nikko Huelgas na ang layunin ay masungkit ang tagumpay . ng samu ’ t saring medalya
Earl Rusty M . Cagadas
Isang daa ’ t dalawamput isang medalya ang nakupo ng ating mga kababayang atletang Pilipino sa South East Asian Games 2017 na ginanap sa Kuala Lumpur , Malaysia , August 19-30 .
Sa 11 bansang kasali ’ y nasungkit ng Pilipinas ang ika-anim na puwesto dahil sa 24 na gintong medalya , 33 pilak , at 64 na tansong medalya . Sa 145 gintong medalya , 92 pilak at 86 na tanso ’ y unang puwesto naman ang nakuha ng Malaysia at ang nasa huling puwesto na Timor Leste ay nagkamit ng tatlong tansong medalya . Nagtamo ng 24 gintong medalya ang Pilipinas sa Athletics , dalawa sa Billiards , Boxing , Gymnastics ,
Judo , Taekwando at Triathlon at pare-parehong
nakakuha ng tag-iisang medalya ang Basketball , Fencing , Ice Hockey , Lawn Balls , Pencak Silat , Wushu at Equestrian .
Nakabingwit naman ng 33 na pilak ang Pinas : 3 sa Athletics , Fencing , Karati , Lawn Balls at Taekwondo , 2 sa Sepak Takraw , Squash , Swimming , Tennis at Triathlon at 1 naman sa Archery , Billiards , Boxing , Equestrian , Gymnastics , Ice Skating at
Wushu .
Samantalang 64 na tansong medalya naman ang nakuha sa 3 Athletics , 6 sa Squash , 5 sa Swimming , 4 sa Archery , Karate , Pencak Silat at Taekwondo , 3 sa Gymnastics , at Judo , 2 sa Billiards , Boxing , Fencing , Lawn Balls , Sepak Takraw , at Tennis at isa-isa sa Bowling , Cycling , Golf , Ice Skating , Muay , Sailing , Shooting , Table Tennis at Wakeboarding . http :// www . triathlonphilippines . com / wp-content / uploads / 2017 / 08 / f . jpg
Pagtamlay ng Isports : Kakulangan ng Atensiyon ang Nakikitang Rason
Hindi maitatangging isa sa mga dahilan ng pagliit ng bilang ng mga estudyanteng atletang nakakukuha ng karangalan para sa ating paaralan ay ang paghina ng atensiyon sa larangan ng pampalakasan gayundin ang kawalan ng ugnayan ng mga guro upang suportahan ang mga nasabing estudyante .
Sa mga nagdaang taon ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dulag , kapuna-puna ang pagbaba ng numero ng mga manlalarong nakakatuntong sa mga malalaking lebel ng kompetisyon sa sports kagaya na lang ng Provincial Meet , Eastern Visayas Regional Athletic Association ( EVRAA Meet ), at maski sa prestihiyosong Palarong Pambansa . Batay sa datos na nakuha mula sa MAPEH Department ng nasabing paaralan , lumalabas na 51 atleta na lang ang nakapasok sa Provincial Meet at 33 % nito ang nakalaro sa EVRAA at Palarong Pambansa noong nagdaang taon kumpara sa mas malaking bilang ng mga manlalarong nakatuntong sa nasabing kompetisyon sa loob ng nagdaang limang taon .
Kung matatandaan ay tinanggal ang Special Program for Sports o SPS sa Dulag High sa ’ di malamang kadahilanan dalawang taon matapos ang Bagyong
Yolanda noong taong 2013 . Mula sa pangyayaring ito ’ y inamin nga ng Ulong Guro sa MAPEH na si Euliser A . Cano na nagsimula ngang bumaba ang level of competency ng mga manlalaro sa naturang paaralan . Ito ’ y isang malaking kawalan para sa itinuturing na isa sa mga pilot schools sa larangan ng isports sa Rehiyon VIII . Kung nagkataon ay hindi na sana binura ang naturang programa kung kapalit nito ’ y pagtamlay sa pampalakasan ng ating paaralan .
Dagdag pa ni Cano , hindi lang ang pagkawala ng proramang nabanggit ang dahilan . Idagdag pa raw dito ang kakulangan ng mga coaches at pondo pati na rin ang kawalan ng konsiderasyon ng ilang mga guro sa tuwing magsasanay ang mga manlalaro – mga salik na sana ’ y bigyang atensiyon ng mga kinauukulan . Ang magandang balita rito ay nakaplanong ibalik ang Special Program for Sports o SPS dahil na rin sa naging epekto ng pagkawala nito .
Ang ating paaralan ay tahanan ng mga magagaling na atleta . Kung nais ng paaralang itong manumbalik ang magandang performance ng mga manlalaro , panahon na para suportahan ang pagbabalik ng SPS at maayos na koordinasyon ng mga Departamento sa paaralan .
LATHALAING ISPORTS Sungkitin ang Liwanag sa Dilim
Ni : Blesangeljoie
Ang pagpupunyagi ’ y hindi natatapos sa isang kabiguan . Ang angking galing ng mga Pilipino sa pagnanais na makamit ang isang hangarin ay hindi kailanman maitatanggi . Dugo at pawis ang naging puhunan para sa karangalan ng ating inang bayan .
Sa resulta ng ginanap na SEA Game sa Kuala Lumpor , Malaysia ay isang matibay na patunay na may ibubuga ang mga kababayan nating manlalaro sa larangan ng isports . Kahit sabihin pang hindi ganap na nakupo ang pangarap na unang pwesto ay hindi pa ring maikakaila na pako at ngipin ang naging labanan at butas ng karayom ang pinasukan ng mga atleta .
Naging pamoso at laman ng radyo ’ t telebisyon ang mga pangalang Mary Joy Tabal , Nestor Colonia , Anthony Beram , Janrey Ubas , Carlo Paalam , John Marvin , Efren ’ Bata ’ Reyes , Michael Chrstian Martinez , Albert Lopez , Reyland Capellan at Kaitlin de Guzman , Eric Cray , GILAS Pilipinas , Nikko Huelgas , Robert Andrew Garcia , Kirstie Alora , Samuel Thomas Harper Morrison , Cheska Centeno at Rubilen Amit , Kiyomi Watanabe , Philippine Women ’ s Volleyball Team , Kim Mangrobang , Marestella Torres , Philippine Ice Hockey Team at ang huling nakakuha ng medalyang ginto na si Dimes Dumaan . Sila ’ y buhay na patunay sa pagpupunyagi ni Juan de la Cuz .
Ang pagpanaw ng hangaring masungkit ang kampeonato sa nasabing SEA Games ay isa lamang tilamsik ng pangarap na pwedeng mawala maya-maya lang . Sapagkat hindi matitibag ng kahit anong mason ang kagustuhan nating ipagmalandakan ang ating lahi sa buong mundo .
Ang tamlay ay kayang tabunan ng tuwang galing sa gabaldeng pawis at siyang pupuno sa mga pusong nagnais ng tagumpay . Sa susunod na pagtutuos ay muling mabubuhay ang pangarap ng mga atletang Pinoy na minsang pang nakibaka para sungkitin ang mga medalyang nagniningning .