Ang Bantayog Bantayog | Page 10

HUNYO - NOB . 2017

10 AGHAM AT TEKNOLOHIYA

HUNYO - NOB . 2017

KONTING KAALAMAN

Mula sa trivia ni Kuya Kim
Si Leonardo da Vinci ay isang dakilang siyentista , embalsamador , musikero , pintor , inhinyero , eskultor , imbentor at siya lang naman ang nag imbento ng “ GUNTING ”
Alam niyo ba noong hindi pa naimbento ang mga COLORED Television at kapanahunan pa ng BLACK and WHITE TV ( mga dekada 50 ’ s , 60 ’ s , 70 ’ s , 80 ’ s ) , pati rin ang ating mga panaginip sa gabi ay BLACK and WHITE rin !
113 taong na ang nakakalipas nang unang itaas ni Emilio Aguinaldo ang Bandila ng Pilipinas na sumisimbolo sa ating Kalayaan . Mabuhay at sabay sabay nating sabihin na “ MAHAL KO ANG PILIPINAS !!
Ang Pinakamahabang naitalang paglipad ng isang manok ay tinatayang may labing tatlong segundo ( 13 seconds ) ang itinagal sa ere .
Ang salitang “ TYPEWRITER ” ang pinakamahabang salita na maaaring mabuo lamang sa isang hilera sa Computer Keyboard .

Avian Influenza : Di dapat ipangamba

Ang paglaganap ng Avian Influenza sa bansa na kumitil ng mahigit 30,000 ibon at nagpahina ng pagmamanukan ay hindi dapat ikabahala ng mga konsyumer kung magiging maingat lang sa sarili at sa paghahanda ng pagkain .
Ayon sa mga eksperto , nadala ng mga migratory birds mula sa ibang bansa ang virus sa Pilipinas . Ang naturang virus na may strain ng H5N6 ay nagsimulang umatake sa mga ibon noong ika-4 ng Agosto sa nakaraang taon at nagsimulang kumitil sa mga ibon sa kalagitnaan ng Abril at Mayo . Ang bayan ng San Louis sa Pampanga ang pinakanaapektuhan at kinailangan pang i-quarantine ang lahat ng sakop ng 1- kilometer radius ng nasabing lugar .
Sa kabilang banda , hindi raw dapat mabahala ang mga taong malalayo sa poultry farm at hindi kabilang sa pagpatay at pag-ihaw ng mga manok at iba pang ibon batay sa ulat ng Department of Health . Isa itong magandang balita para sa mga mamimili . Dagdag pa ng ahensiya , makukuha lamang ang virus sa laway , sipon , ipot at likido mula sa mata ng mga ibong apektado bagay na makapagpapagaan sa mga chicken lover .
Ayon kay Health Secretary Dr . Paulyn Ubial , piliin ang manok na sariwa at iwasan ang botcha . Hindi na dapat hugasan ang manok upang hindi na lalong kumalat ang mikrobyo . Ang init mula sa apoy ang papatay sa mga ito , dagdag pa niya . Dugtong pa ni Tayag ang pag-iwas muna sa pagkain ng mga half-cooked na putahe ng manok ay mas maiigi . Ito ay mga simpleng bagay lamang na kung hindi maiiwasan ay maaring magdulot ng kapahamakan sa ating kalusugan .
Nararapat lamang na mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga tao kung ano ang mga kaukulang gagawin . Kung sasabayan lamang ito ng pagsunod sa payo ng mga kinauukulan at pagiging mapanagutan at responsable ay sadyang walang dapat na ipangamba .

Solar Eclipse , panghabambuhay nga ba ?

Mavee Dawn B . Abad
Napukaw ang atensiyon ng mga tao nang iulat na muling magkakaroon ng total solar eclipse sa ika-21 ng Agosto 2017 . Nagaganap lamang ito kapag ang disk ang ating buwan ay dumaan sa pagitan ng Daigdig at Araw kaya mas madali at maikli nitong mahaharang ang sikat ng Araw at maglalatag ng mahabang anino sa ating planeta . Naangyayari lamang ang ganitong klase ng eklipse kapag mainam na nakahanay ang Buwan at Araw . Tila
nagiging magkasukat ang dalawang celestial body . 400 ulit na mas malapit sa atin ang buwan .
Hindi habampanahon ay may magaganap na solar eclipse . Darating ang panahon na mahihinto ang ganitong klaseng kaganapan sa ating kalawakan . Ayon sa National Aeronautics and Space Administration ( NASA ) ng United States , dahan-dahang lumalayo ang buwan ng isa ’ t kalahating pulgada bawat taon mula sa Daigdig . Sabi pa sa pahayag ng NASA ay sa pagdaan pa ng panahon , mababawasan ang bilang at dalas ng total solar eclipse .
Sa kasalukuyan ay mababanaagan pa ng Daigdig ang total solar eclipse tuwing ika-18 buwan . Batay pa sa bidyo ng NASA ay bihirang makita sa espesipikong lugar ang total solar eclipse dahil sa napakaliit na inner shadow ng buwan na maglilimita sa kabuuang lawk na maaaring makita ang total eclipse .
Bung nito sa malayong hinaharap , mahihinto na ang pagkakaroon ng solar eclipse dahil ang sukat ng buwan sa himpapawirin ay sobra nang maliit upang ganap nitong matabunan ang araw .
Sa modernong panahon ngayon kung saan samo ’ t - saring mga hightech na mga “ Computer ” ang nagsusulpotan , minsan niyo na bang naitanong sa sarili niyo kung ano ang kauna-unahang Modelo ng Computer ?
Ang kauna - unahang Computer ay tinawag na Z1 na inimbento ni Konrad Zuse noong 1936 at pagkalipas ng tatlong taon , naimbento rin ang Z2 , ang kauna - unahang Computer na gumagamit ng Kuryente . Ito ’ y kasalukuyang matatagpuan sa isang Museum .

LATHALAIN Hi-Tech na Pagliligawan

Ni Andrea Mae G . Matsushima
Mukhang napakalayo na ng panahon . Noon , ang panliligaw ng isang binata sa isang dalaga ay idinadaan sa pagdalaw sa kaniyang bahay at sa panghaharana tuwing gabi . Uso rin dati ang pagsulat ng “ love letters ” sa papel na winiwisikan ng mga mahahalimuyak na pabango . Bukod pa rito ay madalas ding magbigay ng tsokolate at mababangong bulaklak ang mga kalalakihan sa nililigawang babae .
Dumating ang makabagong teknolohiya na nagpabago sa nakasanayang panliligaw . Mula sa pagsulat ng mga “ love letters ” ay dinadaan na lamang sa pagpapadala ang mga makabagong aplikasyong teknolohikal tulad ng Facebook at Messenger . Mula sa panghaharana gabi-gabi sa tirahan ng sinusuyong babae , ngayo ’ y kinakantahan na lamang ito sa paggamit ng “ voice message ”. Ganito na ba kalaki ang epekto ng makabagong teknolohiya sa paraan ng panliligaw ?
Ang dating “ love letter ” na nasa papel ay kadalasan na ngayong makikitasa screen ng ating telepono , kompyuter at iba pang gadgets . Naging makabago ang anyo ng panliligaw ng mga lalake sa kababaihan na bukod sa pagdalaw sa bahay nito ay idinadaan na lang sa online chat , video call at iba pang social media .
Sa paraan ng makabagong teknolohiya ay madali at mabilis nang nakararating ang impormasyon sa dapat nitong pagdalhan . Ngunit marami ring naglabasan na nga negatibong epekto patungkol dito . May mga tinedyer na nakikilala natin dahil lamang sa Internet . Marami ring kabataan ang napapahamak lalo na kung ang kanilang nakikilala sa online ay isa palang sexual predator at may masamang hangarin sa kapwa .
Dahil dito , doble ingat ang kailangan ng mga kabataan sa paggamit ng modernong pamamaraan sa komunikasyon . Hi-tech na panliligaw ay mas madali ngunit ito ’ y maaaring mauwi sa di-inaaasahang trahedya . Kaya kung ikaw ang tatanungin , modernong panliligaw o sinaunang proseso nito ?