12th Division G Annual Contest | страница 43

12th Annual Contest Division G, District 79 Organisasyon ng Pilipinong Mananalumpati (OPM) Toastmasters Club (Filipino) Message from the Club President Pagpupugay at pagbati mula sa pamunuan at mga kasapi ng Organisasyon ng Mga Pilipinong Mananalastas (OPM), ang ikalawang Filipino Toastmasters Club sa buong mundo! Ang Dibisiyon G ay isa sa mga pinakamasigasig na dibisyon sa hanay ng mga Toastmasters sa buong Saudi Arabia. Venecio V. Legaspi, ACS ALB Club President Ang tema o paksa sa taong 2016 “ACE to GREATNESS” ay angkop at napapanahon. Dahil sa nabanggit na mga katangian ng mga namumuno ng Dibisyon G, karapat-dapat lamang ang Tema para sa taong ito. Mga katangian na A–“Attitude” o saloobin, C–“Commitment” o pagpapaninindigan, at E–“Excellence” o kahusayan Ito rin ay angkop at napapanahon dahil kailangan natin ang isang matibay at magaling na pundasyon upang magawa nating posible ang mga ito. Ang Toastmasters ay hindi lamang naghahasa para tayo ay maging mahusay na mananalastas o maging isang pinuno, tayo rin ay nahahasa upang maging isang mabuti at responsableng mamamayan. Binabati namin ang Dibisyon G (Greatness)! Ramces Dungog, ACS, ALB Bob