Lupang Tirahan
Isinulat ni: Russelanne Silvestre
ANG CORREGIDOR ay isa lamang isla na pinalilibutan ng dagat na nasa bahagi ng Luzon. Sa Corregidor rin naganap ang maraming labanan. Maraming lugar sa Corregidor ang maaring bisitahin sa kadahilanan na kabilang na ito sa kasaysayan ng ating bansa. Noong pangalawang digmaang pandaigdig, ito ang naging punong hintilan ni Heneral Doughlas Mc Arthur ng Estados Unidos na nakatuwang ang hukbong sandatahang Filipino at ang mga kaalyadong bansa. Ang isla na ito ang naging imbakan ng mga armas at bomba na nagsisilbing huling lungga ng mga Amerikano na lumalaban sa mga Hapon upang malabanan.