BATA SA DILIM
Editoryal ,Trabaho sa Murang Edad
Gian Pagorogon
Ayon noong June 28, 2012, mahigit 5.49 na mga bata ang napepwersahan na mag trabaho dahil sa mahirap na buhay at sa kailangan na pera para makapagaral at makakain para sa ikakabuti ng kanilang mga pamilya. Dahil kadalasan sa mga pabrika, construction, sila nagtatrabaho na kung saan ay maliit lang ang sahod at minsan ay napaparusahan pa sila kung mali ang ginagawa nila. At dahil dito napapatigil sila sa pag-aral at pinagpapalit nalang ang pagtrabaho sa murang edad.
Sabi nang National Statistics Office o (NSO), na mula lima hanggang siyam na taong gulang ay nag-aaral pa ang mga bata subalit habang tumatagal ay nababawasan na sila. At pagdating ng edad 15 ay kalahati sa kanila ay ang nasa eskwela nalang, at ang iba ay nagtatrabaho na para sa kanilang mga pamilya
.
Kahirapan ng buhay ang ugat kaya lalong dumarami ang mga batang manggagawa. At subalit kahit ilang administrasyon na ang tumulong, pero parami nang parami parin ang mga batang nagtatrabaho. Dahil pagsinabi-nilang bata, ang lumalabas sa isip ko ay ang nagaaral, nag-lalaro kasama ang kanilang mga kaibigan, at lalo na ang mahigit sa lahat ay dapat kasama nila ang kanillang mga pamilya, pero bakit hindi ito mangyari sa mga batang ito na nagdurusa sa kamay nang iba na ang kailangan lang ay pera at hindi na-awa sa mga batang ito, kaya ang aking munting tanong ay BAKIT?