Si Inan at kanyang Lihim
Epiko, Pagmamahal sa Bayan
Dan Dayan
Noong nakaraang panahon, sa isang malayong isla ay merong naninirahang tribo. Ang lider ng kanilang tribo ay nanganglang Nion. Si Nion ay isang mabait at mapagkumbaba na hari. Siya ay palaging nakikipag salamuha sa tribo niya at siya ay nagbibigay ng mga pangangailangan niyan. Meron siyang magandang asawa na si Nina. Sila ay merong 2 anak na babae. Ang madalas gawin ni Nion kapag siya ay walang ginagawa ay pumupunta siya sa malayong lugar na hindi napupuntahan ng ibang tao. Nagtataka paminsan ang mga tribo niya kung bakit biglaan na lang nawawala ang kanilang pinuno. Hindi nila alam na merong tinatago si Nion.
Isang araw, nang umalis ni Nion patungo sa gubat. Doon ay merong nagaganap na medyo hindi karaniwan. Mga halimbawa ay ang mga lumulutang na bato, Sumasayaw na puno, mga kakaibang mga halimaw at hindi makabuluhang mga pangyayayri. Habang siya ay lumalakad sa gubat. Siya ay meron nakasabay na malupet na halimaw. Siya ay isang malaking dragon na nangangalang Kimbab. Si Kimbab ay ang pinakamatapang at pinaka malakas na halimaw sa buong isla. Hinamon ni Kimbab si Nion. Si Nion naman ay matapang na tinnanggap ang hamon. Sila ay nagsimula ng laban. Sa una, si Nion ay walang kalaban kalaban sa dragon subalit sa rin ay may kakaibang kapangyarihan, siya ay may abilidad na maging isang diyos. Sa isang diyos, nagagawa niya halos lahat ng gusto niyang magawa. Si Kimbab naman ay natakot sa natuklasan niya ang nangyari at siya ay humiling na huwag siyang kalabanin. Si Nion naman ay tinnanggap ang kanyang hiling ngunit sa isang kundisyon. Siya ay magiging alagad ni Nion sa habang buhay. Ito naman ay tinnanggap ni Kimbab.
Nang bumalik siya ay laking gulat ng mga tribo niya sa nakita. Sa una, sila ay natakot sa nakita nilang dragon. Ngunit sinabihan naman niya ang mga buong tribo kung anong nangyari. Natuklasan nila ang kakaibang abilidad ng kanilang pinuno at sila ay namangha. Simula non ay naging mapayapa ang bayan.