Digital publication | Page 5

Pawikan ng Kagubatan

Pabula, Pagmamahal sa Kapwa

Aaron Gilla

Sa isang malayong lugar, may isang gubat na bihirang puntahan ng mga tao at ito

ay itinatawag nilang "gubat ng mga nawawalang kaluluwa" sapagkat sa isang tapak mo lamang sa gubat na ito ay ikaw ay mawawala at hindi na makakabalik. Pero ito ay nahahati sa dalawa, maitim na bahagi ng gubat at ang ilaw ng gubat dahil sa kalagitnaan nito ay isang mala paraisong lugar. Ang mga tubig dito ay malinis, masisigla ang kulay ng mga puno at ito ay mga kakaibang prutas na ibinubunga. May isang matandang salamangkerong pawikan na namamahala dito. Siya ay napakabait at hinahangaan ng lahat. Pero alam niya na hindi sapat ang kahusayan at kabaitan para mapasaya ang lahat ng iyong mga pinapamahalaan dahil walang taong kayang magpasaya ng lahat ng tao.

Naghahanda na ang salamangkerong pawikan para sa kanyang ika-379 na kaarawan. Lahat ay imbitado sa kanyang mansyon ngunit isa lang ang hindi pumunta. Ang

pangalan niya ay si Sotsuki isang soro. Si Sotsuki ay bagong lipat sa gubat at siya ay nagmula sa maitim na bahagi ng gubat na puno ng problema at kriminal. Dahil sa takot niyang matukso ng kaniyang mga kasama dahil sa kanyang karanasan sa maitim na bahagi ng gubat, ito ay inunahan na ni Sotsuki. Nagsinungaling siya, kinalat niya ang mga sikreto ng mga kasama niya, nanakit siya ng mga kapwa niya at sinira ang kanilang bahay. Itong pangyayaring ito ay nakarating sa salamangkerong pawikan. Agad na lumipad si salamangkerong pawikan patungo kay Sotsuki. Siya ay pinarusahan at ginawang langgam. Si Sotsuki ay napilitan makitira sa punso ng mga langgam.

Siya ay pinilit na tumulong sa kanilang pagkuha ng mga pagkain para sa kanilang kakainin sa tag-ulan. Si Sotsuki ay natutong makisama sa mga langgam at natuto rin mag mahal sa kapwa. Ito ay nakita ni salamangkerong pawikan at noong habang natutulog si Sotsuki, agad na ginawang soro muli siya ni salamngkerong pawikan. Siya ay nabigyan ng pangalawang pagkakataon para makisama muli. Siya ay napatawad ng mga kasama niya at siya ay nagkwento ng kanyang karanasan sa mga kabataan na para matuto rin magmahal sa kanilang kapwa.